please use transalate to read this post ------>
Ang sakit palang matinik ng isda
parang kinukonsensya pag nagkasala
kada lunok may aray
maliit na tinik ngunit di mahimlay
parang kinukonsensya pag nagkasala
munting tinig masakit ngunit pinapag walang bahala
sinong dapat sisihin
ako ang kumain?
parang pag nagkasala;
di makaahon, nakarapa.
Na saan ang papawi
munting tinik pakihawi
nang maibsan yaring kirot
pag aalala ang dulot
sinubukan munang kumain
ngunit hindi saging
wala raw saging;
batid nila ang hinain
parang pagtatakip ng ibang bagay
ang nagkasala, dito gamay.
alam ang solusyon
ngunit hindi maparoon
ito lang ang papawi
kada takip, sakit ang yari
kung may saging lang,
kung mabibigyan higit pa sa kulang
agad kakainin, uubusin
nang munting tinik madala pailalim
sinong magkakawang gawa
upang maibsan lang pagka tinik na lumala
parang kasalanang gustong bitawan
pagkat lugmok sa kadiliman
kung may lalapit lang at dala'y mensahe
balitang minsang may nagsabi
ito'y pakikinggan
pangangalandakan.
kirot ng kunsensya'y titigil
bagong buhay walang pipigil
tulad ng saging para sa tinik
sa solusyong ito'y mananalig
na aking kasalanan
kaniyang pinagbayaran
humilom lang aking buhay
ipinalit ang kaniya bilang alay
pinawi ang galit ng Ama
sa pagsunod sabi ng banal na letra
di tulad kong mahina
buong puso siya'y nagpakumbaba
yaman ng buong kalawakan
isang iglap ay iniwan
upang maranasan
ngayoy' aking pinagdaraan
pait ng maling buhay
tiniis, pinasan, humihingang patay
kaya't salamat Hesus;
purihin ka.
tinanggal ang tinik
pinalitan ng pagsabik
na ika'y makilala
bawat araw, habang humihinga
marami pang lugmok sa kadiliman
mangusap ka't ako'y bigyan
ng lakas ng loob na mensahe'y ihayag
ito ang solusyon ng pagbabagong hindi maipalawanag
Salamat Hesus,
salamat.
purihin ka
ikaw lang ang itaas.
No comments:
Post a Comment