Dear Lolo,
Hindi ko makakalimutan nung
pag-aalaga mo sa akin noong bata pa ako. Lagi akong nagpapasaway sa’yo.
Kumukuha ako ng piso sa lagayan ng barya mo at bumibili sayo
ng candy. Nakikinig tayo ng Tiya Dely at Bimbo sa DZRH pag ala una ng tanghali.
Lagi kang may pagkain sa ref mo sa tindahan. Buti malaki yung sinulid mo
pang-tahi, pinapang sarangola kasi namin yun, matibay nga e. palagi kaming
naglalagay ng trap kapag naglalaro kami,
mga sinulid at buto ng papaya kaso hindi ka naman na tatrap. Ang epic fail ng
bread knife na kinuha mo sa handaan, hinasa at ginawang pang-hiwa ng mangga at
pang-kamot ng likod. Lagi kaming tumatakas ni kat dati. Pag nandiyan na yung
tricycle, saka lang kami magsasabing aalis na kami. Kapag nagbobrown-out
mahilig kang gumawa ng gasera sa garapon at sabay sabing “ang galing ko talaga
naisip ko na yan.”
Mahalig kang magsulat, kumanta, at magtahi. Yung kanang
daliri mo nga deformed, dahil siguro sa kakatahi ng kortina at graduation gown
dati. Mahilig kang pumorma, kinikwento mo sakin na kapag may bago kang tahing
damit, sinusuot mo yun pang samba para mapakita ang bagong OOTD sa bayan.
Nahasa yung tagalog at listening comprehension kang
naka-radio at lagi akong nakatambay sa tindahan mo.
Nung umalis sila mami at dadi pa – Qatar ikaw na yung
guardian namin 12 years old palang ako. Naalala ko nung first year high school,
dinala ko sa school yung malaking radio mo na kulay itim.
Pag nag-aaway kayo nila mami at dadi, sayo ako yumayakap.
Pag pinapalo ako ni tita inday, sayo ako tumatakbo. Nung high school ako,
natutong nang mag-DOTA at Gun bound, pumupunta ka pa bawat computer shop sa
gate 2 para hanapin ako – nagseselos nga si kat nun e.
nung malaki na ako, si jim na yung pinagbuhusan mo ng favor,
okay lang sakin kasi yun ka talaga e. you can’t help but to love as a father.
Minsan ka lang magsabi ng I LOVE YOU, pero damang dama namin yung pagmamahal mo
kapag pinapauwi mo na kami kasi gabi na.
nung bata pa ako sabi mo sakin na-ihian ko yung suman na
benta mo pero may bumili parin. Lagi akong yumayakap sa likod mo pag matutulog
na tayo, ang taba kasi ng tiyan mo e.
Pangako Lo, I will be a better person. Tatayo ako sa
Panginoon at ipapagmalaki kong hindi sayang lahat ng sakripisyo mo para sakin.
Rerespetuhin at hindi ako mang-aagrabyado ng babae kasi yun yung advice mo
sakin, first year high school palang ako. Sasanayin kong kumain ng talbos at
kosido, at mamimiss ko yung dinuguan mong
ikaw lang talaga ang makakaperfect ng
timpla.
Thank you sa pagbili sakin ng trumpo at tirador sa sandiko
sa gate 2, kaso nabasag lang yun nung naburot ako nila kakak. Punong abala ka
nung sumali ako bilang escort sa hillcrest at may talent competition, ikaw yung
gumagawa ng paper flower sa float namin ni Rania. Masaya ako nung
nagpapadownload ka ng songs at pagsinasabi mong kamag-anak mo si Lirio Vital,
at may song na dedicated sayo. Hindi ko pa nasasabing we’re proud of you na
naging musical director ka ng Viracenia dati.
I experience you as a father, walang ibang taong makakasira
ng bond natin, hindi ang past mistakes mo nung nawala si lola. Nung pinanganak
ako, hindi ka na nagbisyo at sayo lang daw ako tumatahan dati. Malulungkot sila
ate Imelda sa unciano kapag nalamang wala ka na, si Dr. Francisco dumalaw na
kagabi. Pati yung nagtitinda ng monay mamimiss ka.
Lagi mong
pinagdarasal na bago ka mawala, Makita mo man lang na makalakad ako.
Para sayo tong pag pasa ko sa U.P. Lo. Akin nalang yung may flashlight na O+ mo
ah, mahina kasi battery ng Samsung.
Lo, may deal kami ni Lord. Hindi ka mawawala ng hindi mo
siya tinatanggap. Alam ko nung Tuesday ng umaga, sinuko mo na ang buhay kay
Hesus. At napaginipan nga yun ni tita edna na narupture ka, yung gift ni Lord.
Thank you for living up to my 24th birthday. Gift
mo na yun e.
On the other side… kailangan nating Makita ang other side ng
pagkawala ni lolo…
Fact 1. 88 years old na siya
Fact 2. Sudden heart attack
Fact 3. God’s appointed time, when all of us have heart of
the Gospel.
Fact 4. He could have died, but he lived for purpose
Throughout the process, Jesus is molded
Bimbo brought me here. Touching story. Peace.
ReplyDelete