Madaling
magsamba, tumalon at humiyaw sa church at maging all-out na tipong bibigay mo
na lahat ng iyong oras, panahon,
emosyon, skills, para sa ministry, para sa church at, ang pinaka
importante sa lahat para kay Jesus lalo na pag kasama mo ang circle mo. Ang
teammates mo sa ministry, those people you’ve been looking up to throughout all
these years. Tipong sila ang sandalan mo, sila ang pinaka motivation mo para
magfull-time rin dito. Tipong pag nandiyan sila at home ka. Tipong tinginan pa
lang sa mata, mababasa mo agad kung may pinagdadaanan sila. At minsan nga,
papasok ka sa church, tatapikin lang nila sa balikat sabay sabing “oh kamusta”,
maiiyak ka na. Tipong wala pang service, gusto mo ng mag-open ng mga
pinagdaanan mo. At hindi mo nakikita ang sarili mong mapuputol ang cord ng
circle ninyo up to the point na totally, mawawala sila. Mawawala ka.
Ang
gandang pakinggan ng mga testimony ng long lasting relationships sa church.
Tipong mula bata, laking church na, nagserve sa music ministry, may handle na
disciple, nakita ang calling as Pastor, nag bible school, at ngayon ay pastor
na rin sa local branch na siya na ang nag ooverseer.
That’s
the linear expectation that would have been heard in the church. Iyong mga
ganoong istorya ang nakakapag paencourage sa congregation na maging all out rin
at gayahin ang path na dinaanan nila to live a life worthy of their calling to
the Lord.
Pero
magiging limitado ang paningin natin, and in fact biased, kung sa mga ganitong usapan lang tayo
makikinig. Pero after all these church thing ito ang tanong ko, “Paano kaming mga umalis sa team. Sa circle. Sa previous
church”. That’s why hindi natin pwedeng sabihing I knew church without
considering the voice of marginalized group tulad ng mga nainvolve sa “heart
break”. Hindi ko ibig sabihin na heartbreak ng mga jowawits. Tipong BHOZS_L0V3R_04.
What I mean is the heart wrecking experience na after all these years, those
people you look up to? They are gone. The circle, iyong teammates mong
kasabayan mong pumikit sa antok sa jeep pauwi ng outreach sa bundok, they are not there
anymore. Tipong pag may pinagdadaanan ka, wala ka ng shoulder to cry on. Kung baga
sa pag check ng balance sa bangko, hindi lang 00.00 pesos, kundi access
denied. Ang heart break na tinutukoy ko ay para sa amin, na mga Christians,
pero hindi lang simpleng Christians -we who were once a part of the leadership in
a local church but have, for any given reason, went away or became excluded or
defiled -if you want to put it that way using old testament’s categorization or have yeah -Experienced
Heartbreak.
Sinulat
ko ang article na ito not to point fingers nor defame any organization nor
people nor individual. That is against the 1987 Philippine Constitution. Sinulat ko ito upang kumatawan sa tinig na hindi na
narinig at na balitaan na umalis na pala. Para sa mga binigyan ng temporary
restraining order na huwag munang magparamdam, para sa mga maayos na nagpaalam
pero alam mong may mga parts ng nayurakan, para sa mga nag-iwan na lang ng
formal letter sa upuan at by then hindi na nasilayan. Yup this is for us.
Hindi ito para sa on-fire, iyong tipong sobrang gigil hindi na nakikita iyong "mali" aside. Hindi ito para sa pastors na nasa other side of the story hehe, we knew your point po. Yup we saw that life, but we just couldn’t live it. If we were? Hindi dapat ako nagsusulat ng ganito. Masaya dapat tayo and they live happily ever after. Kaso sa totoong mundo hindi e. May unpredictable situations kang pagdadaanan that will require your decision, you as a person. Hindi iyong imposed decision ng iba. Para ito sa mga nakaranas ng heartbreak. So let's go.
Hindi ito para sa on-fire, iyong tipong sobrang gigil hindi na nakikita iyong "mali" aside. Hindi ito para sa pastors na nasa other side of the story hehe, we knew your point po. Yup we saw that life, but we just couldn’t live it. If we were? Hindi dapat ako nagsusulat ng ganito. Masaya dapat tayo and they live happily ever after. Kaso sa totoong mundo hindi e. May unpredictable situations kang pagdadaanan that will require your decision, you as a person. Hindi iyong imposed decision ng iba. Para ito sa mga nakaranas ng heartbreak. So let's go.
Una,
welcome the real world of Christianity. Pangalawa, Congratulations! You made
the correct choice to stay in faith and to really not let go of your relationship with
God after all these wrecks. Messy ito. Wala ng pwedeng ibang word para gamitin
as euphemism ng heart break. Hindi natin ito pwedeng i-sugar coat na ouch.
Masakit! As in sobrang sakit! Tipong mamimiss mo sila pero access denied. Tipong
“it could have been us, pero nag-break".
Pero
I am a firm believer of season. Tipong may time for love and a time for hate, a
time to throw away stones and a time to gather stones, a time for war and a
time for peace.” At hindi ko alam sa iyo pero para sa akin, as in ako as a
person, ito na ang time para mag move on. Siguro wounded ka pa and you need time
for healing o siguro nag-engage ka kaagad at nauwi sa comparing game na “ah sa
dati ganito, ngayon tayo dito hindi na ganito” as a way to cope up. Cope up?
Talaga? Or is it just you saying na gusto mong bumalik "doon"? Either way, it’s
for us. Para ma-iconsider na YES masakit ito, pero hindi ako mananatili dito. Hihilom
ang sugat. Magmamarka bilang peklat. Pero mabubuo kang muli. Sa panganalan ni
Hesus, mabubuo tayo uli. Bilang tao. Bilang leader. Bilang ang dating “kuya at
ate” na tayo.
So
let’s go and learn the art of moving on pag tapos lumipat ng church. Heads up. I made this tone as personal
as I am so I am not after grammar rules and citations, wala tayo sa school. Iwan na muna natin doon ang Academic tone mga Ma'am/Sir. Nandito
tayo sa totoong mundo. At gagamitin natin jargons na tayo lang din ang nakaalam
tulad ng breakthrough, isolated, on-fire, devotion etc.
Gear up
Para makapag move on, dapat aware ka na dumaan o dumadaan
ka ngayon sa heartbreak. I mean hindi mo pwedeng iset aside ang realidad na
nasaktan ka, and in one way or another, nakasakit din naman ng iba. Yes. Aminin
man natin ito o hindi, somehow, we’ve let them down. Somehow hindi tayo naging Rexona na Won’t let you down.
But
seriously hindi tayo pwedeng umikot sa cycle ng denial na “hindi, okay lang
ako. Strong me e.” And after acknowledging the pain, let us to this for
ourselves. Hindi ka pwedeng magmove on kasi may lost soul na hindi mamiministeran
dahil wala ka sa field. Hala? Pajolibee? Bida ang saya? I mean you have to come
to a point in your life na for once, gagawin mo na ito para sa iyo. Para maging
okay na, ulit.
Next
thing you have to consider is Who? Yup dati nandiyan sila na shoulder to cry on
mo. Pero ngayon iba na e. In fact, ibang iba na. Wala ng gagawa nito para sa
iyo. Ikaw na mismo ang kusang babangon sa pagkakadapa at sasabihin sa sariling “Hindi
ako ito. Hindi ako dapat nandito.”
And
yes you can move on even right now. Maybe it will give you a boost to attend your preferred church or maybe you can just lock up for a day and just
read the bible and go to your life verses again, recalling your landmarks and
how the Lord made himself known to you personally. And in fact, you can stop
reading now and just connect to the presence of the Lord. Iyong klase na
intensity kung paano ka talaga nakakabreakthrough on your own. Thus, we are the
push we need. Hindi mo kailangan ng ibang tao. Ang kailangan mo ay firm
decision na “this time ikaw at ako na Lord. This time ikaw na ang pipiliin ko,”
Alam
mo iyong kwento noong fired up na si David, sabi ni King Saul sa kanya, tipong pasugod na e, “oy bida-bida ka. Suotin mo itong gear ko
para hindi ka mamatay sa laban ninyo ni Goliath. Expert na iyon boi.” Actually
sinubukan ni David e. Sinuot niya iyong gear at naglakad ng ilang hakbang, pero
hindi nagwork out e. It is as if David is saying “Hindi ako ito. Hindi ito ang
gear ko.” Gear na iyong tipong kahit makinig ka ng 100 na preaching ng ibang
tao, pero hanggang hindi ka talaga nagdedevotion, wala ka talagang sword, thus
paktay ka diha. So gear up, okay?
Do what you have
to
Noong
mga panahong nagliliwaliw ako sa other side, yup sa life of sin, for some
reason nagkaroon kami ng chance na mag-heart to heart talk ng highschool
bestfried ko, a father of two. I opened my current situation about willful “self-deterioration”
and his words struck my heart. “Alam mo galit ka e. Do what you have to but set time limit. Hindi
ko nakitang galit ako. Sa lahat ng nangyari, sa pagkabasag ng church, sa
pagmakatay ni Daddy. At ang hindi ko maamin sa sarili ko ay galit ako kay Lord.
Sino ba namang hindi? After all these sacrifice I do, ganito pa? Ayawan na
lang, ganyan ka naman pala e. Deserve ko ba ito? Hindi. Then why? And a still
small voice speaks to my heart “Neither do Jesus”. Kahit si Jesus hindi niya
deserve iyon. But it happened. And it happened for a reason -for the salvation
of many. Could it be possible na same? For maturity's sake?
Take U-turn
Kung
nasa other side ka ngayon, "do what you have to" that's what my non christian best friend said. So I say now bro Express your anger through a sinful living, lantad man ito o hindi, you know where you are. I have
been there. Alam ko rin iyong daan boi. Jesus saw your cleared browsing
history. Masarap sa other side. Yes, but the satisfaction is not sustainable. Kasi
after mong mag-enjoy, depress ka. See? Self-deteriorating iyan. Next thing you know,
you’ve already committed suicide.
Bakit
ba nakaka enjoy sa other side? During my rebellious years, ang magiging kaclose
mo rin ay ang dating on-fire sa church but refused to turn back. So here you
are, guided by blind guides, willfully accepting na ang mali ay tama at ang
tama ay mali.
But
bro, don’t pile up consequences. Alam mong mali iyan. Quick reminder though.
May bayad iyan. Hindi man evident ngayon, pero later on meron. At ang dulo, iba
na ang laman ng puso mo. Nakuha na ang soul mo. But the choice is yours. I am not
here to impose na mag U-turn what I am saying is choose life, that you might
live.
Mamahay
Medyo mabigat iyong usapan a while ago so here is a lighter note. Na subukan mo na bang matulog sa ibang bahay? Tipong hindi ka makatulog kasi na mamahay ka? Hindi mo kama ito. Hindi ito ang amoy ng unan mo. Walang electric fan na naka-number 3 na nakatutok sa mukha mo tapos 2 a.m. kisay-kisay ka na.
Ganoon din tayo sa bagong nilipatan. You have to consider na hindi na sila ito. Para kang nasa bagong school na hindi mo na kasama ang squad mo dati. Para kang batang nangangapa muna sa unang lingo after magstart ng classes tapos kina tatlong buwan lang may kabatuhan na ng floor mat.
Adjusting
ito e. So Lower your cravings for deep conversation. Dati ganoon tayo e. Sa
sobrang intimate na natin sa kateam natin, tabi lang kayo sa gilid tapos
mag-usap, mamaya nasa 7th heaven na kayo e.
If
you want a quality relationship, pag laanan mo ng quantity. Paano kayong
magiging close kung 45 minute fellowship lang ang allotted mo kapag Sunday? I
am not saying na ubusin mo na naman ang oras mong kilalanin ang ibang tao, up
to the point na hindi ka na nakikita ng mga magulang mo. What I am saying is if
you want a squad, build it. Share yourself
but guard up. Ngayong naghihilom ka na, mas alam mo na kung saan, kanino, bakit
at paano ilalaan ang oras mo, thus ang buhay mo. Siguro ang pinaka safe
standard na lang din na we can apply for ourselves ay sa bawat fellowship ninyo
ng bagong grupo always ask, “where is Jesus?” Minsan may mga toxic interaction
na hindi na talaga sumasalamin sa rason kung bakit ka sumasama sa kanila, and
in that interaction, evaluate first then decide. If it is going against your
convictions, say it and wait for responses of change. If it is a yes, stay.
If it is a no, leave. You do you.
Love again
With
all these realizations, I leave you with this thought. “Expect the worst, but
love again anyways”. Bro hindi sure na dahil new environment, wala ng old
issues. Yes may lalabas at lalabas na issues as you go along sharing lives
together but love anyways. Ikaw ang makakapagsabi kung nagiging totoo ka sa
kanila or this is just a role you want to play out with them -kasi iyon ang
ideal iportray mo pero hindi naman talaga ito ang totoong ikaw. That’s why it is really hard to act out roles. But in reality we are so
good at playing roles. Hindi ba kuya? Hindi ba ate? Iyong label pa lang na "leader" gusto
mo ng magSuper Saiyan
at super Christian na hindi talaga ikaw. So be transparent but also watch your
attitude. Hehe, hindi na tayo bata e. Hindi na tayo pwedeng magtantrums kung
kani-kanino and expect them to stay in our lives e.
So
in all these, ang pinaka commodity na hawak at nakabatay sa decisions mo ay ang
Time mo. Lumilipas ito kada Segundo at nawa’y napupunta ito sa mga bagay na valuable
sa iyo bilang tao at kay Jesus bilang Lord mo.
And
don’t worry hindi nacancel lahat ng sacrifices mo sa ministry noong binuhos mo
lahat ng pato mo, si Lord ang magrereward sa iyo, at okay lang kahit hindi mo dala
ang SM advantage card, valid pa din ang promo.
Until
then, this is a prodigal son who went back saying to you “ang dami nating
haharvestin pa bro, gising!”.
No comments:
Post a Comment